WAR ON DRUGS

    Iisang mga balita, mga balitang tungkol sa pagpatay, tungkol sa isyu sa lipunan, tungkol sa WAR ON DRUS na sa kasalukuyan ay maraming mga inosenteng taong nadadamay. KIAN LOYD DELOS SANTOS yan ang pangalan ng 17 taong gulang na lalaki na biktima rin ng walang awang pagpatay ng mga kapulisan. Ang ganitong isyu ang laging nasa mga balita sa kasalukuyan na dulot ng administrasyong DUTERTE.

    Ayon sa ulat ni Jasmin Romero ay nakakatanggap ng mga pananakot ang mga witness ng pagpatay kay Kian ayon sa ama nitong si Saldy Delos Santos.Gayunpaman ay patuloy parin ang pagsuport ng kapitbahay,kaanak sa pamilya.

    HUSTISYA yan ang sigaw ng mga kapamilya ni Kian. Humiling ng hustisya ang pamilya ng Grade-11 student na napatay ng mga pulis sa operasyon sa Caloocan City noong Miyerkules.

Iginiit ng pamilya ng 17-anyos na biktimang si Kian Loyd delos Santos na magkaiba ang bersyon ng mga pulis sa ipinapakita ng CCTV ng barangay ukol sa insidente.

    Sa kasamaang palad ay ang ganitong klase ng isyu ay nasundan pa. Si Carl Angelo Arnaiz isang binatilyo na 19 taong gulang na biktima rin ng administrasyong DUTERTE. Batay umano sa autopsy report ng PAO, may nakitang marka sa kamay ni Arnaiz na maaaring nakaposas ito, namamaga ang mga mata, at may indikasyon na maaaring nakaluhod siya nang barilin. Ang mga ganitong klase ng pagpatay ay sana hindi na malulit pa at nang wala nang madamay ng inosenteng wala naman ginagawang masama.

    Sa aking palagay ang mga taong ito ay kasama sa mga inosenteng mga pinatay ng ating kapulisan na kasama sa administrasyong DUTERTE. Sa panahon ngayon ay marami nang mga natatakot at nawawalan ng pag-asa lalo na sa mga biktima na lumaban para sa hustisya sa kadahilanang baka sila rin ay madamay sa walang awang pagpatay ng mga kapulisan.Ang masasabi ko na lang ay sana mabigyan ng hustisya ang mga inosente at patuloy na lumaban para sa hustisya at nang hindi na maulit pa ang mga ganitong klase ng mga pangyayari.

    

    

    

This article duplicated from: Duplicate

Hi! Thanks for your blog, what language is it in? can you use Google translator to post it here in English? It would be greatly appreciated!! Hope to see more of your work...

09-17 Come fromWeb Version